-hahahaha ang saya na ang bigat sa pakiramdam.. hay.. >.
graduation day.
a picture with my superduper friends.. =)
i miss those times na araw-araw kaming magkakasama. hay.. masarap magkaroon ng mga kaibigan na dumadamay sayo kapag may problema ka, nakikitawa sa mga jokes mo kahit korny, magpapahiram ng balikat kapag kailangan mo ng masasandalan, nagpapa utang ng pera kapag nagipit ka, at higit sa lahat kasama mo sa mga kalokohan at kabaliwan mo. Im so thankful and lucky to have them.. =)
OMG! I MISS MY FRIENDS.. >.<
Eto na naman ako. praning nag iisip ng mga bagay na hindi ko alam kung tama ba.(pesta talaga!).. Anu ba kasi.?? nakakainis kapag meron kang nararamdaman na hindi mo maexplain. ang sakit sa bangs ika nga. Yung feeling na parang may nagbago.? na parang wala naman.. haizt! ANG LABO!!!
Teka, siguro naguguluhan nadin kayo kung anu tinutukoy ko noh.? kung tungkol saan at kung anu dahilan ng pag eemote ko na ito. Tungkol sa lovelife.? OO.
Kainis., ang labo kasi eh.. ng ano.? “NG LAHAT!”
waaaahhhhh… kakabaliw talaga pag lovelife ang usapan. tsk. single ako pero ganto yung nararamdaman ko.. haizt. how stupid. kainis.
Dahilan kung bakit ako naiinis.
At marami pang iba na hindi ko maexplain!!!!!!!!!!! haizt. masaya ako kapag kasama at kausap ko sya, malinaw saken na gusto ko sya kaso ang di malinaw ay kung ganun din ba sya saken kaya ako nahihirapan. Ayoko naman itanong sakanya dahil parang ang awkward naman kung ganun. Kaya wala akong ibang magagawa kundi ang maghintay.. hay..
onti na lang talaga.. aayaw na ako sa set-up namin na to. onti hintay pa..
sa ngayon siguro aayusin ko nalang muna sarili ko at di na masyado magpapakapraning..
Ang sarap talaga matulog pag ganitong maulan, malamig at masarap lang humilata sa kama. Tinatamad tuloy gumalaw yung katawan ko. hay.. masarap din humigop ng mainit na sabaw or mag kape habang nakikinig ng mga senti songs.. Maraming bagay ang masarap gawin kapag umuulan depende na lang sa kung anung trip mo.
Maraming tao ang natutuwa kapag umuulan pero ‘sad to say hindi ako isa sa mga yun. Nalulungkot talaga ako kapag umuulan, sa hindi malaman na kadahilanan. Nag start ata to nung high school.. ewan ko. isang bagay na ayoko ng alalahanin. emo.? hahahaha.
Pero kahit ganun, ngayon im starting to love rain.. namimiss ko na nga maligo at magtampisaw sa ulan eh, gawain ko yun nung bata pa ako. Isang masayang alaala ng aking kabataan.
Ikaw naranasan mo bang maligo at magtampisaw sa ulan.? sarap diba.? hindi masaya ang kabataan mo kung HINDI. =)
Para hindi masayang ang mga araw ko mukang kailangan ko gumawa ng mga bagay na mahalaga sa mga susunod na araw.
1. I think I need to have a haircut. Para new year new look diba.? hehe
2. I need to follow-up my IVT training completion. ang tagal na di ko padin natatapos yung mga case. tsk.
3. I need to meet my friends.. i miss them sooo much.. :(
4. I should buy a new pair of sandals.
5. I think i need to lose some weights. parang tumaba ata ako nitong nagdaan na pasko eh.. naku. naku..
hayy.. sana madami akong magawa sa mga susunod na araw. kayaa ko to! aja! hehe
another ‘pogi’ pics. hahaha
hindi ako tomboy. feel na feel ko lang talaga magpose ng ganyan.
mahilig ako magpicture picture kahit na hindi ako photogenic.. kung hahalukayin nyo yung folder ng pc namin, magsasawa kayo sa mga muka ko. hehe.
nagiging libangan ko na kasi ang magpicture ng sarili, narci ba.? hindi naman.. tamang trip ko lang talaga. =)
something i made to make someone smile =)
-kahit na hindi ako magaling magdrawing, pinaghirapan kong gawin yan dahil may isang tao na nagrequest na gawan ko daw sya ng star. Ang kulet diba.? may pag uusap pang nagaganap sa pagitan nung dalawang star. hahaha ako yung yellow at syempre sya naman yung blue^^. usapan namin yan dati eh. may isang topic kasi kami na kapag na open supppeeerrr di kami makarecover sa kakatawa.. ayan yun. ginawa ko lang na yung mga star yung nag uusap para cool. hehe ;)
2012 na agad.. bakit parang ang bilis lang lumipas ng 2011 ko.?
anu-anu ba ang mga nangyari saken last 2011.? teka nga.. hhmm.. >.<
January
February
March
April
May
June
July
August
September
October
November
December
and that ends my 2011 journey..
hindi masyadong naging exciting pero maraming masasayang bagay ang nangyari.. sana this year mas maraming bagay akong magawa at mas maraming pangarap ang matupad.. im super looking forward for my 2012 journey. sana makasama ka sa byahe ko this year.. ;)
(via cottoncandycircus)